musicaIJAH
Follow the beat of life by Shelo B. Cadahing of 4- Science
Sunday, September 11, 2011
Friday, March 25, 2011
SKEIGHTS "BREAKEVEN" - Pilipinas Got Talent Season 2
ang ganda ng song ........
watch this vid.
favorite ko na yung song . haha
sana magkaband na din ako . :) great band like them ........
Saturday, February 26, 2011
Kwento ng Aking Buhay
oh ! it's me |
My Mom and Dad , so sweet !! :) |
Ang pamilya naming ay nabibilang sa relihiyon ng Iglesia Ni Cristo. Noong nasa pagsamba pa ako ng kabataan, nagkaroon ako ng tungkulin sa pagka- mangaawit. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi na ako mang- awit ngayon. Sarili ko iyong desisyon. Dahil sa mga kadahilanang hindi ko nalang babanggitin. Madami na akong napagdaan sa sa buhay bilang Iglesia Ni Cristo. Halos naka- 3 taon na siguro mula nung binautismuhan ako sa Calamba, Laguna. Hiniling ko noon na kasama ko sana ang mga magulang ko sa araw na iyon. Hindi nga lang natupad, pero masaya pa din ako dahildumating ang araw ng bautismo ko. Sa kabila ng mga pagsubok na napagdaan ko at ng aking pamilya ng mga panahong iyon, nalampasan at nanatili pa din akong kaanib ng aming relihiyon.
my bunsong kapatid
|
Noong bata pa ako, madalas nagkakaagawan kami ng kapatid kong bunso sa gamit. Kung kasing mayroon ako, gusto niya meron din siya. Dahil nga sa pag- aagawan sa gamit ko, naaksidente siya. Nasa tas kasi ng cabinet yng simpleng lastik ko lang, kukuhanin niya kaya umakyat din ako para pigilan siya. Aksidenteng naputol yung lastik na pinag- aagawan naming. Nalalag si tutoy, at pumutok yung labi niya. Kaya naman ipinatahi iyon. Buti nalang at mababait ang mga magulang ko, hindi sila ganoong nagalit sa akin. Marahil alam nila na bata pa kami noon, kaya naiintindihan niya. Minsan na din akong naaksidente, dahil sa kakulitan at kalikutan ko. Naglalaro kami noon ng
ay, nadapa. T.T |
oh really?? asthma ? |
Si Shaira, bestfriend k noong elem. |
Graduation Day ko. (elem.) |
me and my baestfriend?? noon.... |
kookak!! scary ... |
Eco Tour !! ;D |
Isa sa pinakamahirap na baitang sa sekondarya ay ang 3rd year, pero ito din naman ang pinakamasaya. Mahirap, kasi iba na ang grading system, mas madaming gawain, nadagdagan ang subject at naglevel- up na din ang mga ito. Mas naging close na din ako sa mga kaklase ko, 3 taon na kasi kaming magkakasama. Sa kabila ng mga pgod, hirap at hectic na schedule, meron din naman kaming mga masasayang moments, hindi naman kasi kami masyadong nagseseryoso sa pag- aaral para naman maging masaya ang high school life namin. Mabuti ng naeenoy ko ngayon ang mga panahon na magkakasama pa kami, dahil sabi may matatanggal na sa seksyon namin. Ang paltok- bola, ay ang laro na nalaro naming na halos ang buong seksyon namin ay kasali sa laro. Laging boys vs. girls ang nangyayari, dapat lagi ding mano ang mga babae dahil para sa akin patas pagganoon (hehe,agree girls??). Memorable din ang 1st eco tour ng seksyon namin. Sobrang saya ko no’n, kasi naging successful ‘yung eco tour namin, na akala kong hindina matutuloy. Sobrang nakakapagod kayang umakyat ng bundok! Pero masaya. Ang sarap ding makabonding ni Sr. Legaspi, kasi kwela siya, sexy pa! (wiwit!:)
Me and The best sister in the world !! ang cheesy !!! hahaha |
Picnic with friends sa field noong concert |
Madami na akong napagdaang mga problema. Pero sa bawat problemang dinaranas ko, iniisip ko nalang na lahat ng mga ‘yon ay nangyayari dahil may magandang dahilan. Madami ding mga taong laging naandyan at sumusuporta sa akin. Nagkaroon man ako ng mga panahong walang makasama, mayroon naman kaagad na sumalo sa akin. Sa mga bagay na napagdaanan ko, madami akong natutunan. Maging ang mga taong nakasama ko ay madaming naituro sa akin. May kasabihan nga, “Hindi naman ibig sabihin na lahat ng bagay na hindi mo nakukuha sa tamang panahon ay hindi mu na makukuha, minsan hindi lang talaga ‘yon ang tamang panahon para sa mga bagay na ‘yon.”
“Live life to the fullest”
Musicaijah:)
Labels:
essay
Monday, February 14, 2011
History of my Blog's Name
We can describe ourselves with the use of only one word. You can describe by your attitude, the way you dress up, by the things that you want or simply by your hobby. But what is the best thing that reflects my personality?
I used this blog’s name because it is my hobby Musica for music, because I love music and Ijah referring to a girl. It is not the first time that I used this name. I used this most of the time as my code name.
Choosing my blog’s name is not really easy for me. Before I came up on a decision that I will used this name, I asked my friends also. They said it is nice because I’m a music lover.
I’m always listening to music. When I woke up, reading, making projects, and before I sleep. And even when taking a bath, it make me feel good, every time. People said that it is easier to study, when there is no noise around you, but for me, it is not. Music makes me study easier; it is not a kind of noise for me.
It affects my emotions, especially if a heard a song that is familiar to me, it helps me feel better if I will play music depending on my mood. Not all songs I’ve heard are good for me. It depends on the message and lyrics of the song, as well as the melody of it.
Music serves a part of my life, it never leaves me. It is not like a person that is here for today but will be gone for tomorrow.
Labels:
article
Percy Jackson and the Lightning Thief
May isang lalaking nagngangalang Percy Jackson na kayang tumagal ng hanggang 7 minuto sa ilalim ng tubig. Ang matalik niyang kaibigan na si Grover ay talaga naming humahanga sa kanya. Sa klase, habang nagtuturo ang kanyang guro na si Miss Dots, ay may iba siyang iniisip. Napansin ito ni Miss Dots, kaya naman si Percy ang tinawag niya para sumagot ng kanyang katanungan. Nang tinitigan ni Percy ang Greek Word, ito ay nagiging English Word sa kanyang paningin. Kahit na nakikita niya na lumalabas na ang tamang sagot, minabuti pa din niyang sabihin kay Miss Dots na hindi niya alam ang sagot.
Pag-uwi ni Percy, nakita niyang namamalantsa kanyang ina na si Sally. Sinabi niya kay Sally na lumalala ang sakit niyang “dyslexia.” Tinawag naman ng kanyang pangalawang ama na si Gabe Ugliano, si Sally upang magpakuhang beer. Nang dumaan si Sally sa tabi ni Gabe ay hinampas siya sa butt, na ikinainis ni Percy. Sinbi ni Percy na bakit nila iyon ginagawa sa kusina. Nagalit si Gabe at kinuwelyuhan niya si Percy at sinabi niyang dapat tandaan ni Percy na nasa pamamahay niya ito. Si Sally ang namagitan sa kanila. Umakyat nalang si Gabe sa kwarto. Pag alis ni Gabe, tinanong ni Percy si Sally kung bakit nagtitiis siya na mamuhay kasama ang lalaking amoy baboy na iyon. Sinabi ni Sally na madami nang naitulong si Gabe sa kanila na hindi lamang maintindihan ni Percy.
Kinabukasan, pumunta ang buong klase sa museum. Habang ipinapaliwanag ng lalaking naka-wheel chair na si Mr. Brunner ang mga bagay- bagay doon, si Percy naman ay nakikinig lamang ng kanta sa kanyang ipod. Napansin iyon ni Mr. Brunner, kaya tinanung siya nito, kung ano ang ibig sabihin ng Greek Word na nakaukit sa pader. Nasagot ito ni Percy at natuwa naman si Mr. Brunner.
Pagkalipas ng ilang sandali, tinawag ni Miss Dots si Percy, sinabi niyang kailangan nilang mag-usap. Sumunod si Percy kay Miss Dots sa isang silid. Ngunit, nang nalingat lang sandal si Percy ay biglang nawala si Miss Dots. Pagtingin ni Percy sa taas, naandoon si Miss Dots. Nagulat si Percy, kaya tinanung niya si Miss Dots kung paano siya nkaakyat doon. Ngunit, hindi sinagot ni Miss Dots si Percy. Biglang nag- anyong halimaw si Miss Dots. Sinugod niya si Percy at sinabing ninakaw ni Percy ang ‘Lightning Bolt.’ Hindi maintindihan ni Percy ang mga sinasabi ni Miss Dots. Muntik na siyang masaktan ni Miss Dots ng biglang dumating si Mr. Brunner at Grover. Tinakot ni Mr. Brunner si Miss Dots na siya ay pagpipira- pirasuhin kapag hindi pa siya umalis. Lumipad na palayo si Miss Dots.
Agad na tinanong ni Mr. Brunner si Percy kung ano ang sinabi nito sa kanya. Matapos magkuwento, binigyan ni Mr. Brunner si Percy ng isang ‘pen’ na magagamit nitong proteksyon. Sinabi ni Mr. Brunner na umalis na sila at kunin ang ina ni Percy, dapat na silang magmadali. Niyaya na ni Grover si Percy na umuwi sa kanila, para mapuntahan ang kanyang ina bago pa ito mapahamak.
Pagdating sa bahay, naabutan ni Percy si Gabe, kainom ang kanyang mga kaibigan. Tinawag agad ni Pery si Sally na ikinainis ni Gabe. Pipigilan sana sila nito sa pag- alis, ngunit nahampas siya ni Grover ng saklay.
Makalipas ang ilang sandal, biglang sumigaw si Grover na itigil ni Sally ang sasakyan at tumaob ang kanilang kotse sa lakas ng pwersa, biglang may lumaglag na baka. Hinubad ni Grover ang kanyang pants upang masipa nito ang bintana. Nakita ni Percy ang tunay na anyo ni Grover ng mga oras na iyon. Nagmadali silang umalis dahil may papalapit na halimaw sa kanila. Binato din sila nito ng naiwan nilang kotse. Narating nila ang camp bgo pa sila maabutan ng halimaw. Ngunit, hindi makapasok si Sally, kaya nakuha siya ng halimaw. Hindi nagtagal sa kamay ng halimaw si Sally at naglaho din siya. Kinalaban ni Percy ang halimaw, ito ay kanyang natalo sa pamamagitan ng pen na nagiging espada. Naputol din niya ang sungay nito. Sa labis sakit na natamo ni Percy, nakatulog nalang ito.
Sa paggising ni Percy, inilibot ni Grover si Percy sa Camp Halfblood, kung saan naandoon ang mga ‘Half Mortal, Half God’ o tinatawag ding ‘Demigod.’ Madaming nag- eensayo sa paligid. Sinabi ni Grover kay Percy na siya ang bayani. Ngunit, sumalungat siya dito. Ipinaliwanag ni Grover, kaya siya nakakabasa ng Greek Words dahil sa siya ay natatangi. Dinala ni Grover si Percy kung saan naandoon ang anak ni Athena na si Anabeth, na nakikipaglaban sa ibang sundalo.Ipinakita din ni Grover ang mga centaurs, na kinamanghaan din ni Percy. Isa sa mga centaurs ay si Mr. Brunner, na Chiron ang tunay na pangalan.
Kinagabihan, nagkaroon ng pagsasalo sa camp. Ang nagpapaliwanag sa paligid ay isang malaking siga. Nagkita si Percy at Anabeth ng gabing iyon. Habang sila ay nag- uusap, biglang may lumabas na Diyos sa apoy na nagnganglang Hades, at hinahanap nito si Percy Jackson. Kinukuha nito kay Percy ang Lightning Bolt kapalit ng kanyang ina. Sinabi nito na kasama niya si Sally sa ‘Under World.’ Sa oras na maibigay niya ang Lightning Bolt dito, ibibigay na sa kanya si Sally.
Nag-umpisa na silang maghanap ng pearl. Una nilang pinuntahan ang ‘Auntie Em’s Garden Emporium,’ kung saan nakakita sila ng iba’t- ibang estatwang bato. Nakakita din si Anabeth ng Gold Coins. Kumuha siya ng ilan nito at ibinigay kay Percy.
Bumalik na si Percy sa camp, matapos ang mahabang paglalakbay. Iniwan siya ni Sally doon, dahil naniniwala siyang iyon ang tamang lugar para sa kanyang anak. Doon, ay muli silang nagkita ni Anabeth. Naglaban muli ang 2, at nagpatuloy ang pag- eensayo ni Percy sa “Camp Halfblood.”
Labels:
film review
I am a responsible netizen
As a student, using computer is a need for me. I use it to make projects, to research, and as a tool of communication. But, how can I show my responsibility as an internet user?
As a third year student, our section is required to do a research paper. We get information on internet to for a good research paper. Like our teacher told us, we should indicate the author of the article that we got on the internet. This is to show that the facts those you have been got is not yours.
I can easily communicate to my friends and other people with the use of internet. I can easily update my friends. On that way, I can share my opinions on such issues by using some sites. But, we should analyze what we are going to post to avoid hurting other persons feeling. It is better if we are using it for fixing such broken friendship or wars of other, than making the issue bigger.
Instead of bringing other people down with the use of internet, we should lift them up. Inspire and be a good example to all the internet users. Unethical behaviors must not posses in you, your behavior should be proper.
Being “Responsible Netizen” start in you. In that way, you can encourage and you will be a model to every internet users.
Labels:
article
Subscribe to:
Posts (Atom)