Saturday, February 26, 2011

Kwento ng Aking Buhay

oh ! it's me
My Mom and Dad , so sweet !! :)
            Ako si Shelo B. Cadahing, labin- limang taong gulang at ipinanganak noong Setyembre 27, 1995 sa San Pablo City, Laguna. Ang aking mga magulang ay sina Bienvenido Cadahing at Lilian Cadahing. Kame ay apat na magkakapatid. Ang panganay ay si Kristina Cadahing, sumunod si Kaye Villian Cadahing, ako angpangatlo at ang bunso ay si Christian Cadahing na nag- iisang lalaki. Kami ay ay nakatira ngayon sa Barangay Concepcion, San Pablo City, Laguna.

          Ang pamilya naming ay nabibilang sa relihiyon ng Iglesia Ni Cristo. Noong nasa pagsamba pa ako ng kabataan, nagkaroon ako ng tungkulin sa pagka- mangaawit. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi na ako mang- awit ngayon. Sarili ko iyong desisyon. Dahil sa mga kadahilanang hindi ko nalang babanggitin. Madami na akong napagdaan sa sa buhay bilang Iglesia Ni Cristo. Halos naka- 3 taon na siguro mula nung binautismuhan ako sa Calamba, Laguna. Hiniling ko noon na kasama ko sana ang mga magulang ko sa araw na iyon. Hindi nga lang natupad, pero masaya pa din ako dahildumating ang araw ng bautismo ko. Sa kabila ng mga pagsubok na napagdaan ko at ng aking pamilya ng mga panahong iyon, nalampasan at nanatili pa din akong kaanib ng aming relihiyon.


my bunsong kapatid
ate Kavie...

         Noong bata pa ako, madalas nagkakaagawan kami ng kapatid kong bunso sa gamit. Kung kasing mayroon ako, gusto niya meron din siya. Dahil nga sa pag- aagawan sa gamit ko, naaksidente siya. Nasa tas kasi ng cabinet yng simpleng lastik ko lang, kukuhanin niya kaya umakyat din ako para pigilan siya. Aksidenteng naputol yung lastik na pinag- aagawan naming. Nalalag si tutoy, at pumutok yung labi niya. Kaya naman ipinatahi iyon. Buti nalang at mababait ang mga magulang ko, hindi sila ganoong nagalit sa akin. Marahil alam nila na bata pa kami noon, kaya naiintindihan niya. Minsan na din akong naaksidente, dahil sa kakulitan at kalikutan ko. Naglalaro kami noon ng
ay, nadapa. T.T
mga ate ko, at kaming tatlo lang ang tao sabahay. Nilalaro naming yung mga dolls naming sa bakuran. Naisipan naman nina ate na gumawa ng bahay ng mga laruan namin. Pinakuha ako ni ate Kristina o Ate Kavie ng martilyo sa loob ng bahay para gamitin sa pag- gagawa ng bahay ng laruan naming. Tuwang- tuwa akong tumakbo, pagpunta sa loob ng biglan akong nadapa. Sa pagkadapa ko, napatama ang sikmura ko sa may hagdan. Naramdaman ko noon ang sobrang sakit at hindi na ako makapagsalita, dahil hindi na ako makahinga noon. Hindi nagtagal, nawalan na ako ng malay. Hindi ko na alam ang nangyayari at sunod na mangyayari ng maga panahon na iyon. Sa pag- gising ko, nakita ko ang mga ate ko, at bakas sa kanilang mga mukha nag takot at kaba. Naikwento nila sa akin na hindi daw nila alam ang kanilang gagawin noon. Ang tanging naisip daw gawin ni Ate Kavie noong mga oras na iyon ay sampalin ako. Agad naman akong nagkamalai tao noon. Saka ko naman naramdaman ang takot at kaba makalipas ang ilang oras mula ng magising ako. Nasip ko lang na pano kung, hindi na ako nagising? Swerte pa din talaga ako. Naranasan ko na din palang mahiwa sa palad noong anim na taong gulang palang ako. Hindi iyon basta hiwa, dahil iyon ay malaking hiwa ng kutsilyo sa palad ko. Nangyari lang iyon dahil sa pagiging curious ko. May kaluban kasi yung kutsilyo, eh hindi ko pa naman alam ang kaluban noon kasi bata pa ako, kaya hindi ko naisip na kutsilyo iyon. Akala ko, chocolate yung nakalagay sa lalagyan. Ang hirap pa ngang buksan. Nagulat nalang ako ng biglang nahiwa ko. Sa takot na mapagalitan, hindi ako nakaiyak noon, at walang sinuman ang nakaalam sa bahay ang nangyaring iyon s akin. Bata pa kasi, kaya makulet. (hehehe)

oh really?? asthma ?
           Naalala ko noong ipapasok ako ni mommy sa isang Day Care Center. Ang dami kong taga- bantay na mga pinsan ko kasi alam nila na makulet ako at bakakasi mag- sign of the cross ako pag- magdadasal yung mga estudyante (hindi nag- sisign of the cross ang mg I.N.C.). Wala pang ilang lingo ang nakakaraan mula ng pumasok ako, tinamad na agad ako. Nung bata pa naman ako, may asthma ako kaya ‘yun yung idinahilan ko para hindi ako makapsok. Dahil sa katamadan ko, indi na ako nakapagkinder, kaya idineretso na agad ako sa grade- I sa Guerilla Elementary School. Nung pumasok ako sa elemantarya, sa section- B ako inienrol ni Mommy, kasi ang alam ko lang gawin ay isulat at basahin ang sarili kong pangalan. Pero, makalipas ang ilang buwan ay nailipat naman ako sa section- A dahil sa maganda ko daw na performance. Pagdating naman ng katapusan ng school year na ‘yon, ‘di inaasahing napasali ako sa top. Noong dumating na ang araw ng recognition, nagulat ako pati na rin si mommy, dahil nakakuha ako ng dalawang parangal. Bar pin noon ang ibinigay sa amin. Muntik pa akong matusok ni mommy ng bar pin sa sobrang kaba niya noon, kasi hindi naman niya inaasahan na makakapasok ako sa top 10.

Si Shaira, bestfriend k noong elem.
          Sa loob ng anim na taong pag- aaral ko sa Guerilla Elementary School, madami akong nagingh kaibigan doon at si Shaira Aro ang naging pinakamatalik kong kaibigan. Syempre, hindi din mawawala ang mga away bata. Hindi ko malilimutan ang unang beses na nakipag- away ako, noong grade- II. Dahil lang naman, nasira ng kaklase ko ‘yung porselas na ibinigay sa akin ng mommy ko, kaya inaway ko siya. Noong grade- IV naman, grabe, nakipagpanuntok ako sa lalaki kong kaklase. Kasalanan din naman kasi niya ‘yon, kasi akala niya hindi ko siya lalabanan kasi babae ako, akala lang naman niya ‘yon (wahahaha).  Sa kabila ng mga kalokohan ko noon, madami din naman akong mga nagging kaibigan. Nagkaroon naman kami noon ng ‘medyo’ magandang samahan. Anim na taon ba naman kaming magkakasama, hindi pa ba kami maging close ng lagay na ‘yon? Tama lang naman  ang panahong  ‘yon para makilala naming ang ang isa’t- isa.
Graduation Day ko. (elem.)
Naging masaya ang elementarya ko, hindi lang dahil sa madami akong naging mga kaibigan noon, dahil na rin sa pagkakamit ko ng mga karangalan sa bawat taon ng aking pag- aaral doon. Pero, sa bawat recognition na nadaluhan ko, 3 beses lang na ang magulang ko ang nagsabit sa akin ng medalya. Unang beses, noong grade- I at si mommy lang ang dumalo para sa akin. Pangalawa, nung grade- V na si daddy lang ang dumalo. Ang huli, siyempre noong grade- VI. Unforgettable ‘yun, kasi halos kumpleto ang pamilya naming noon. Ang wala lang ay si Ate Kavie na lagi naman talagang wala kapag ganoong mga pagkakataon. Ang saya noon, kasi naandoon silang lahat para suportahan ako, hindi lang dahil sa may sabit ako noon,graduation ko din kasi. 

me and my baestfriend?? noon....
Sa pagpasok ko naman ng high school, napagdesisyunan ng aking mga magulang na sa Dizon High ako pumasok, dahil nakapasa ako sa science curriculum. Noong unang araw ng pasukan, nagpasama ako kay mommy kasi medyo kinakabahan ako noon. Pinakauna kong nakilala noon ay si Camille na inakala kong siya ang pinaka- makakaclose ko noon. Dahil sa 15 lang kami noong unang araw, kumuha ng ilang eatudyante sa section- A. sa pagdaan ng mga araw, ang nagging kaclose ko ng sobra, si MARIAN Carmella B. Calanasan. Magkatabi kami noon at lagi din kaming magkasama. Hindi naman mawawala ang pag- buo ng mga barkadahan sa isang seksyon. Ang barkadahang may pinakamaunting miyembro ata noon ay ang “MAKKASHERYSS”. Ang magkakasama dito ay kami nina MArian, LyKKA, siyempre ako na si SHElo at si KhRYSS. Madalas puro kalokohan kami noon, pero masaya. May sariling araw pa nga kami ng pagsusuot ng jogging pants, araw ng martes. Noong lumaban kami ng ‘Ibong Adarna,’ ako ang napiling narrator. Kahit na hindi ako pinalad na mapiling pinakamahusay, masaya na din ako dahil nagkaroon ako ng karanasan.
kookak!! scary ...
Noong 2nd year, hindi ko ‘yon malilimutan, kasi hinarap ko ang isa sa mga kintatakutan ko, ang palaka!! Ginawa ko lang ‘yon para matapos na ang eksperimento namin. Wala kasi sa mga kagrupo ko ang naglakas loob na hawakan, kaya ako nalang. Nakakatakot talaga ‘yon at hindi ko ‘yon makakalimutan. Dahil do’n, lalo tuloy akong natakot sa palaka. Nang lumaban kami ng ‘Florante at Laura,’ kabilang ako sa pangkat ng m,ga mang- awit. Nakamit naman ng pangkat naming noon ang unang karangalan, ngunit ang seksyon namin ay hindi nakamit ang posisyong ‘yon. Kahit na ganoon ang nangyari, ayus lang dahil lahat naman kami ay ibinigay ang lahat n gaming makakaya.


Eco Tour !! ;D
Isa sa pinakamahirap na baitang sa sekondarya ay ang 3rd year, pero ito din naman ang pinakamasaya. Mahirap, kasi iba na ang grading system, mas madaming gawain, nadagdagan ang subject at naglevel- up na din ang mga ito. Mas naging close na din ako sa mga kaklase ko, 3 taon na kasi kaming magkakasama. Sa kabila ng mga pgod, hirap at hectic na schedule, meron din naman kaming mga masasayang moments, hindi naman kasi kami masyadong nagseseryoso sa pag- aaral para naman maging masaya ang high school life namin. Mabuti ng naeenoy ko ngayon ang mga panahon na magkakasama pa kami, dahil sabi may matatanggal na sa seksyon namin. Ang paltok- bola, ay ang laro na nalaro naming na halos ang buong seksyon namin ay kasali sa laro. Laging boys vs. girls ang nangyayari, dapat lagi ding mano ang mga babae dahil para sa akin patas pagganoon (hehe,agree girls??). Memorable din ang 1st eco tour ng seksyon namin. Sobrang saya ko no’n, kasi naging successful ‘yung eco tour namin, na akala kong hindina matutuloy. Sobrang nakakapagod kayang umakyat ng bundok! Pero masaya. Ang sarap ding makabonding ni Sr. Legaspi, kasi kwela siya, sexy pa! (wiwit!:)

Me and The best sister in the world !! ang cheesy !!! hahaha
Sa bahay naman namin, madaming sad, badtrip, at siyempre happy moments. Hindi naman kasi maiiwasan na may problemang dumadating sa pamilya, siguro kaya naman sa amin ibinigay ang mga problemang ‘yon dahil sa alam ng Diyos na kaya naming lutasin ‘yon. Ang lahat naman ng mga nangyari sa amin ay nagkaroon ng mga magagandang resulta, naging daan upang mas maging matatag at maganda ang samahan n gaming pamilya. Madalas naman, binabadtrip ako ng bunsong kapatid ko, hindi kasi marunong makinig, ang tapang at ang yabang pa, lalaki kasi. Pero ang pinaka- kaclose ko sa mga kapatid ko, si Ate Kaye. Siya ang napag- sasabihan ko ng mga problema ko at lahat- lahat ng nangyayari sa buhay ko, sa loob at labas ng tahanan namin. Madalas ding siya ang kabonding ko at kasama kapag may mga lakad ako. Tulad ng bunsong kapatid ko, hindi ko din makasundo si Ate Kavie. Ayoko lang talaga kasi sa mga ugali at gawain niya. Sa katunayan, muntok na niya kong masuntok noon dahil sa pagtatalo namin. Hindi lang siguro talaga kami komportable sa isa’i- isa, dahil sa nasanay lang ako na wala siya. Si daddy, sa manila na siya nagtatrabaho mula noong nakaraang taon. Kaya naman, buwan- buwan ay inaabangan ko ang pag- uwi ni daddy. Sobrang saya ko tuwing nauwi si daddy, dahil nakakapag- bonding ang buo naming pamilya ng sama- sama.
Picnic with friends sa field noong concert
Noong nakaraang concert sa school namin, naisipan naman naming mag- picnic sa field habang nagpeperform ang ilan naming mga kaklase. Naexcite ako noon, hindi dahil sa concert kundi sa picnic namin. Nag- uumpisa palang ang concert, nang bigla akong naiyak. Naisip ko na baka ‘yon na ang huling pagsasaya ko na kasama ko ang aking mga kaibigan. Nilapitan nila ako noon at niyakap. Nag- group hug pa nga kami noon. Naging mlungkot man ang panahon na ‘yon, naging masaya din naman kaagad. Naenjoy naming lahat ang mga oras na ‘yon na magkakasama kaming mag- kakaibigan.

Madami na akong napagdaang mga problema. Pero sa bawat problemang dinaranas ko, iniisip ko nalang na lahat ng mga ‘yon ay nangyayari dahil may magandang dahilan. Madami ding mga taong laging naandyan at sumusuporta sa akin. Nagkaroon man ako ng mga panahong walang makasama, mayroon naman kaagad na sumalo sa akin. Sa mga bagay na napagdaanan ko, madami akong natutunan. Maging ang mga taong nakasama ko ay madaming naituro sa akin. May kasabihan nga, “Hindi naman ibig sabihin na lahat ng bagay na hindi mo nakukuha sa tamang panahon ay hindi mu na makukuha, minsan hindi lang talaga ‘yon ang tamang panahon para sa mga bagay na ‘yon.”


                                                            “Live life to the fullest”
                                                                                                            Musicaijah:)

Monday, February 14, 2011

History of my Blog's Name





We can describe ourselves with the use of only one word. You can describe by your attitude, the way you dress up, by the things that you want or simply by your hobby. But what is the best thing that reflects my personality?
I used this blog’s name because it is my hobby Musica for music, because I love music and Ijah referring to a girl. It is not the first time that I used this name. I used this most of the time as my code name.
Choosing my blog’s name is not really easy for me. Before I came up on a decision that I will used this name, I asked my friends also. They said it is nice because I’m a music lover.
I’m always listening to music. When I woke up, reading, making projects, and before I sleep. And even when taking a bath, it make me feel good, every time. People said that it is easier to study, when there is no noise around you, but for me, it is not. Music makes me study easier; it is not a kind of noise for me.
It affects my emotions, especially if a heard a song that is familiar to me, it helps me feel better if I will play music depending on my mood. Not all songs I’ve heard are good for me. It depends on the message and lyrics of the song, as well as the melody of it.
Music serves a part of my life, it never leaves me. It is not like a person that is here for today but will be gone for tomorrow.

Percy Jackson and the Lightning Thief




         May isang lalaking nagngangalang Percy Jackson na kayang tumagal ng hanggang 7 minuto sa ilalim ng tubig. Ang matalik niyang kaibigan na si Grover ay talaga naming humahanga sa kanya. Sa klase, habang nagtuturo ang kanyang guro na si Miss Dots, ay may iba siyang iniisip. Napansin ito ni Miss Dots, kaya naman si Percy ang tinawag niya para sumagot ng kanyang katanungan. Nang tinitigan ni Percy ang Greek Word, ito ay nagiging English Word sa kanyang paningin. Kahit na nakikita niya na lumalabas na ang tamang sagot, minabuti pa din niyang sabihin kay Miss Dots na hindi niya alam ang sagot.
          Pag-uwi ni Percy, nakita niyang namamalantsa kanyang ina na si Sally. Sinabi niya kay Sally na lumalala ang sakit niyang “dyslexia.” Tinawag naman ng kanyang pangalawang ama na si Gabe Ugliano, si Sally upang magpakuhang beer. Nang dumaan si Sally sa tabi ni Gabe ay hinampas siya sa butt, na ikinainis ni Percy. Sinbi ni Percy na bakit nila iyon ginagawa sa kusina. Nagalit si Gabe at kinuwelyuhan niya si Percy at sinabi niyang dapat tandaan ni Percy na nasa pamamahay niya ito. Si Sally ang namagitan sa kanila. Umakyat nalang si Gabe sa kwarto. Pag alis ni Gabe, tinanong ni Percy si Sally kung bakit nagtitiis siya na mamuhay kasama ang lalaking amoy baboy na iyon. Sinabi ni Sally na madami nang naitulong si Gabe sa kanila na hindi lamang maintindihan ni Percy.
          Kinabukasan, pumunta ang buong klase sa museum. Habang ipinapaliwanag ng lalaking naka-wheel chair na si Mr. Brunner ang mga bagay- bagay doon, si Percy naman ay nakikinig lamang ng kanta sa kanyang ipod. Napansin iyon ni Mr. Brunner, kaya tinanung siya nito, kung ano ang ibig sabihin ng Greek Word na nakaukit sa pader. Nasagot ito ni Percy at natuwa naman si Mr. Brunner.
        Pagkalipas ng ilang sandali, tinawag ni Miss Dots si Percy, sinabi niyang kailangan nilang mag-usap. Sumunod si Percy kay Miss Dots sa isang silid. Ngunit, nang nalingat lang sandal si Percy ay biglang nawala si Miss Dots. Pagtingin ni Percy sa taas, naandoon si Miss Dots. Nagulat si Percy, kaya tinanung niya si Miss Dots kung paano siya nkaakyat doon. Ngunit, hindi sinagot ni Miss Dots si Percy. Biglang nag- anyong halimaw si Miss Dots. Sinugod niya si Percy at sinabing  ninakaw ni Percy ang ‘Lightning Bolt.’ Hindi maintindihan ni Percy ang mga sinasabi ni Miss Dots. Muntik na siyang masaktan ni Miss Dots ng biglang dumating si Mr. Brunner at Grover. Tinakot ni Mr. Brunner si Miss Dots na siya ay pagpipira- pirasuhin kapag hindi pa siya umalis. Lumipad na palayo si Miss Dots.
         Agad na tinanong ni Mr. Brunner si Percy kung ano ang sinabi nito sa kanya. Matapos magkuwento, binigyan ni Mr. Brunner si Percy ng isang ‘pen’ na magagamit nitong proteksyon. Sinabi ni Mr. Brunner na umalis na sila at kunin ang ina ni Percy, dapat na silang magmadali. Niyaya na ni Grover si Percy na umuwi sa kanila, para mapuntahan ang kanyang ina bago pa ito mapahamak.
          Pagdating sa bahay, naabutan ni Percy si Gabe, kainom ang kanyang mga kaibigan. Tinawag agad ni Pery si Sally na ikinainis ni Gabe. Pipigilan sana sila nito sa pag- alis, ngunit nahampas siya ni Grover ng saklay.
         Makalipas ang ilang sandal, biglang sumigaw si Grover na itigil ni Sally ang sasakyan at tumaob ang kanilang kotse sa lakas ng pwersa, biglang may lumaglag na baka. Hinubad ni Grover ang kanyang pants upang masipa nito ang bintana. Nakita ni Percy ang tunay na anyo ni Grover ng mga oras na iyon. Nagmadali silang umalis dahil may papalapit na halimaw sa kanila. Binato din sila nito ng naiwan nilang kotse. Narating nila ang camp bgo pa sila maabutan ng halimaw. Ngunit, hindi makapasok si Sally, kaya nakuha siya ng halimaw. Hindi nagtagal sa kamay ng halimaw si Sally at naglaho din siya. Kinalaban ni Percy ang halimaw, ito ay kanyang natalo sa pamamagitan ng pen na nagiging espada. Naputol din niya ang sungay nito. Sa labis sakit na natamo ni Percy, nakatulog nalang ito.
Sa paggising ni Percy, inilibot ni Grover si Percy sa Camp Halfblood, kung saan naandoon ang mga ‘Half Mortal, Half God’ o tinatawag ding ‘Demigod.’ Madaming nag- eensayo sa paligid. Sinabi ni Grover kay Percy na siya ang bayani. Ngunit, sumalungat siya dito.  Ipinaliwanag ni Grover, kaya siya nakakabasa ng Greek Words dahil sa siya ay natatangi. Dinala ni Grover si Percy kung saan naandoon ang anak ni Athena na si Anabeth, na nakikipaglaban sa ibang sundalo.Ipinakita din ni Grover ang mga centaurs, na kinamanghaan din ni Percy. Isa sa mga centaurs ay si Mr. Brunner, na Chiron ang tunay na pangalan.
Ipinatawag ni Chiron ang lahat ng sundalo at ipinakilala si Percy Jackson upang magkaroon na ito ng pangkat sa camp. Napunta si Percy sa ‘blue soldiers’ kasama si Luke. Ang unang pangkat na makakuha ng watawat ang mananalo. Sa halip na magsamang maglaban si Luke at Percy, pinapuntahn nalang ni Luke kay Percy ang watawat at nagpaiwan siyang nakikipaglaban. Sa paghahanap ni Percy ng watawat, siya ay napagod at nakakita siya ng batis. Iinom na sana siya nang makita niya ang watawat. Kukunin na niya ito nang biglang dumating si Anabeth. Sinabi niya na ang ina niya ang ‘God of Wisdom’ na si Aphodite, kaya lagi siyang nananalo sa anumang labanan. Sinabi naman ni Percy na siya naman ay palaging talo. Naglaban sila at dumating ang iba pang sundalo, kasama na sina Grover at Chiron. Bumagsak si Percy sa dame ng atakeng natanggap niya kay Anabeth. Lumapit si Percy sa batis, inilubog ang kanyang palad sa tubig at nanumbalik ang kanyang lakas. Dahil doon, nilabanan niyang muli ang ‘Red Soldiers.’ Sinugod siya ng mga ito at natalo ni Percy silang lahat. Huli niyang nakalaban si Anabeth. Nagwagi si Percy, nagulat ang lahat dahil wala pang nakakatalo sa dalaga.  Nagbunyi sila sa pagpapakita ni Percy ng kanyang galing. 
Kinagabihan, nagkaroon ng pagsasalo sa camp. Ang nagpapaliwanag sa paligid ay isang malaking siga. Nagkita si Percy at Anabeth ng gabing iyon. Habang sila ay nag- uusap, biglang may lumabas na Diyos sa apoy na nagnganglang Hades, at hinahanap nito si Percy Jackson. Kinukuha nito kay  Percy ang Lightning Bolt kapalit ng kanyang ina. Sinabi nito na kasama niya si Sally sa ‘Under World.’ Sa oras na maibigay niya ang Lightning Bolt dito, ibibigay na sa kanya si Sally.
Paalis na sina Percy, Anabeth at Grover ng gabing yon. Humingi sila ng tulong kay Luke,  dahil sa ang ama nito ay si Hermes na ‘Messenger of the Gods Ang naibigay na tulong ni Luke ay sapatos na may pakpak, ang ilan niyang kagamitan, at ang mapa ni Aphodite na makatutulong upang malaman nila ang  daan na kanilang tutunguhin. Ngunit bago ang lahat, kelangan muna nilang kunin ang 3 pearl na makakatulong upang makaalis sila sa Under World, pag nakarating na sila dito. Ibinigay din ni Luke kay Percy ang kanyang kalasag.



Nag-umpisa na silang maghanap ng pearl. Una nilang pinuntahan ang ‘Auntie Em’s Garden Emporium,’ kung saan nakakita sila ng iba’t- ibang estatwang bato. Nakakita din si Anabeth ng Gold Coins. Kumuha siya ng ilan nito at ibinigay kay Percy.Naghiwa- hiwalay sila, dahil naisip nilang iyon ang madaling paraan upang makita ang pearl. Sa pag- iikot ni Grover, nakakita ito ng estatwa na kahawig ng kaniyang tiyuhin. Samantalang si Anabeth naman ay nakakita ng babaeng takot na takot, dahil sa may humahabol daw sa kanya. Sa pagkakita ni Grover sa estatwa ay naalala niyang sa si Medusa ang nakapatay dito, kaya madali niyang hinanap si Percy at si Anabeth. Sa pagtakbo ni Anabeth at ng babae ay nagkita sila ni Medusa. Kaya ni Medusa na gawing bato ang tao kapag ito ay tumingin sa kanyang mata. Hindi napigilan ng babaeng kasama ni Anabeth na tingnan ang mata ni Medusa, kaya siya ay nagging bato, habang nakakapit pa ito ng mahigpit kay Anabeth. Naamoy naman ni Medusa si Percy, kaya hinanap niya ito. Nagtago si Percy, kaya pinatumbahan siya ni Medusa ng mga estatwang bato. Napugot ni percy ang ulo ni Medusa, kaya ito namatay. Nakuha nila ang unang pearl sa kamay ni Medusa. 
Humanap sila ng Hotel upang makapagpahinga. Nakita ni Percy ang sugat ni Anabeth sa kamay, at pinagaling niya ito sa pamamagitan ng tubig.  May katulong sa Hotel na nakakita ng ulo ni Medusa, kaya nagmadali silang umalis ng Hotel.Tumungo sila sa Partrhenon upang kunin ang pangalawanh pearl. Nakita nila ito sa ulo ng estatwa ni Athena. Kinagabihan, nang nakuha na ito ni Percy, biglang may lumabas na mga lalaki na naging dragon. Naisip ni Grover na gamitin ang ulo ni Medusa, upang matalo ang dragon.
Lumabas sa mapa na ang una nilang pupuntahan ay Las Vegas sa ‘Lotus Hotel and Casino.’  Nang marating nila iyon ay nalulong sila sa sugal at nalimutan na nila ang kanilang pakay sa lugar na iyon. Makalipas ang mahabang oras, ay may bumulong kay Percy, na ang Lotus Dessert ang nagpapalimot sa kanila ng lahat. Sa kanyang paglalakad ay nkita niya ang pearl. Nagising si Percy, kaya pinuntahan niya ang kanyang mga kaibigan, upang imulat sa katotohanan. Dahil dito, hinabol sila ng madaming tao upang pigilan ang kanilang pag- alis. Kinuha nila ang kotseng papremyo sa casino, upang makaalis sa kugar na iyon,Nang tiningnan ni Percy ang mapa, ipinakita nito na sa ‘Hollywood’ ang sunod na ruta. Nakita ni Percy ang isang Greek Word na ang ibig sabihin , “Welcome to the Land of Death.” Biglang gumuho ang lupa at lumabas ang isang daanan. May nakita silang lalaki, upang padaanin sila, ibinigay ni Percy ang gold coins na kanilang dala.
Narating na nila ang Under World sakay ng isang bangkang lumulutang sa himpapawid, kung saan ang ilalim ay dagat ng apoy. Nakita nila si Stephanie na asawa ni Hades. Ipinakilala ni Stephanie sina Percy kay Hades.kinausap ni Hades si Percy, sinabi ni Percy na gusto na niyang makuha ang ina. Inilabas ni Hades si Sally. Ngunit, nagalit ito dahil nakita niya sa kalasag ni Percy na nanggaling kay Luke, ang lightning Bolt na sinabi niyang wal sa kanya. Kinuha ni Hades ang Lightning Bolt. Ngunit, inagaw ito sa kanya ni Stephanie. Tinulungn ni Stephanie sina Percy, upang makaligtas. Ibinalik naman ni Stephanie ang Lightning Bolt kay Percy.Naiwan si Grover sa Under World, dahil sa 3 lang ang pearl.
Sa pagdating nila sa lugar ni Poseidon, bigla silang hinarang ni Luke. Sinabi ni Luke na siya ang Lightning Thief. Naglaban silang 2 at nag- agawan sa lightning Bolt. Upang matalo ni Percy si Luke, pinasabog niya ang tangke ng tubig na nasa likuran ni Luke. Ipinakain ni Percy si Luke sa tubig na kanyang kontrol. Gumawa din si Percy ng sandata na ibinato niya kay Luke, na naglibing dito sa tubig.


Ilang minuto nalang ang nalalabi bago matapos ang 14 na araw. Umabot naman si Percy sa oras. Ipinaliwanag din niyang, hindi siya ang magnanakaw. Nagkaroon din sila ng pagkakataong makapag- usap ng kanyang ama. Nagpasalamat si Poseidon kay Percy. Ngunit,sinabi ni Percy na ginawa niya iyon para sa anyang ina. Ipinaliwanag naman ng kanyang ama, na ginusto niyang makasama ang anak, pero hindi lang talaga maaari. Sinbi nalang ni Poseidon kay Percy, na susuportahan niya ang mga layunin ni Percy. 






Bumalik na si Percy sa camp, matapos ang mahabang paglalakbay. Iniwan siya ni Sally doon, dahil naniniwala siyang iyon ang tamang lugar para sa kanyang anak. Doon, ay muli silang nagkita ni Anabeth. Naglaban muli ang 2, at nagpatuloy ang pag- eensayo ni Percy sa “Camp Halfblood.”



I am a responsible netizen






As a student, using computer is a need for me. I use it to make projects, to research, and as a tool of communication. But, how can I show my responsibility as an internet user?
As a third year student, our section is required to do a research paper. We get information on internet to for a good research paper. Like our teacher told us, we should indicate the author of the article that we got on the internet. This is to show that the facts those you have been got is not yours.
I can easily communicate to my friends and other people with the use of internet. I can easily update my friends. On that way, I can share my opinions on such issues by using some sites.  But, we should analyze what we are going to post to avoid hurting other persons feeling. It is better if we are using it for fixing such broken friendship or wars of other, than making the issue bigger.
Instead of bringing other people down with the use of internet, we should lift them up. Inspire and be a good example to all the internet users. Unethical behaviors must not posses in you, your behavior should be proper.
Being “Responsible Netizen” start in you. In that way, you can encourage and you will be a model to every internet users.

Modernong Paaralan


          Ang kwentong ito ay tungkol sa batang si Ahyen. Siya ay nag-iisang anak nina Lilian at Bienvenido Dela Cruz. Siya ay maraming pangarap sa buhay. Sila ay nakatira sa isang liblib na lugar. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa San Pablo City, Laguna. Ang paaralang pinapasukan niya ay hindi kilala at mababa ang kalidad ng edukasyon. Habang lumalaki na si Ahyen, nakikita ng kanyang mga magulang na may potensyal ang kanilang anak...
          Noong buwan ng Marso, taong 2017 naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat sa San Pablo City. Ito ay upang hindi na sila malayo sa kanilang haligi ng tahanan at upang magkaroon ng magandang paaralan anak. Pagdating nila sa bagong bahay, “Pag-isipan mo na, kung saang paaralan ka papasok habang maaga pa,” wika ng kanyang ina. Tumango na lang si Ahyen.
          Kinabukasan, habang nagpapahangin siya sa labas, nakinig niya ang mga estudyanteng nag-uusap. Pinag-uusapan ng mga ito ang malawak, madaming sili-aralan at may silid-aklatan ang paaralang kanilang pinapasukan. Itinanong ni Ahyen sa mga estudyante kung saan sila nag-aaral. Nalaman ni Ahyen na ang pangalan ng paaralan ay Col. Lauro D. Dizon Mem. National High School. Ayon din sa mga estudyante, ito ay isang pampublikong paaralan at walang masyadong binabayaran.
          Ipinagbigay-alam agad niya sa kaniyang mga magulang ang nakalap niyang impormasyon. Sinabi din niyang ito ang paaralan na gusto niyang pasukan. “Gusto mo bang puntahan natin ang paaralang iyon upang makita mo?” wika ng ina. “ Hindi inay, sigurado na po akong doon ko gustong pumasok’” sabi ni Ahyen. Dahil sa buo na ang desisyon ng anak, sumang-ayon na din ang kanyang ama. Inasikaso ng mag-asawa ang pag-eenroll ni Ahyen sa eskwelahan. Hindi sila nahirapan sa pagpapasok ng anak dahil maganda naman ang mga grado nito.
          Si Ahyen ay nasa iba ika-2 anatas na nuon sa sekondarya. Siya ay napabilang sa pinakamataas na pangkat na tinatawag na pangkat Science. Madami naman kaagad siyang naging kaibigan sa kanilang pangkat. Si Caylee, na pangalwang taon na sa paaralang ‘yon ang isa sa naging kaibigan niya. Tinanong siya ni Caylee, “Ahyen, bakit mo naman dito naisipang pumasok?” Sumagot si Ahyen, “Dahil sa magagandang deskripsyon ng mga estudyanteng nakausap ko noon.” Niyaya ni Caylee si Ahyen na libutin ang nasabing paaralan. Ngunit, nalungkot siya nang makita ang silid-aklatan. Bukod pa dito, nalaman din niya sa ilang estudyante, na kinukulang pa rin ang paaralan sa silid. Sa kabila noon, nagpatuloy pa din siya sa pag-aaral.
          Hindi nagtagal, naging kilala siya sa paaralan dahil sa katalinuhan niyang ipinamamalas. Lagi siyang nangunguna sa klase, maging sa kompetisyon sa ibang paaralan. Naitayo niya ang pangalan ng paaralan dail sa kanyang talino. Gumanap din siyang magaling na pinuno ng kanilang klase.
          Naibalita sa paaralan na magkakaroon ng election para sa Supreme Student Government. Lahat ng estudyante ay maaring sumali sa nasabing election. Madami ang nagrekomenda sa kaniya na tumakbo sa SSG. Ngunit, naisipan niyang tanggihan ang alok ng kanyang mga kaibigan.
          Pagdating nang araw ng election, kasali ang pangalang Ahyen, kumandidato sa pagkapresidente. Nagulat siya at kinabahan, dahil sa nangyaring iyon. Hindi niya inakalang siya ang mananalo sa nasabing eleksyon. Tuwang-tuwa siya dahil sa nakamit niyang tagumapy. Nagpapasalamt siya sa lahat ng sumuporta sa lanya. Hindi niya ipinapangako na magagampananniya ang kanyang tungkulin, pero sinabi niyang gagawin ang lahat ng makakaya.
          Sa pagdating niya sa ika-3 antas ng sekondarya, nag-umpisa na din ang araw ng pagiging presidente niya. Dahil sa pagiging presidente ng paaralan, naging bukas ang kaniyang isipan sa mga pangyayari sa CLDDMNHS. Ilan sa mga bagay na kanyang nalaman ay ang hindi pagkakaroon ng  computer subject ng ibang pangkat ng paaralan. Iyon ang mga hinaing ng mga estudyante sa kaniya. Ngunit, sinabi niya na kung maari, unahin muna niyang ayusin ang silid-aklatan.
          Hiniling nga mga kapwa niya mag-aaral na malamn kung bakit iyon ang gusto niyang unahin. Sinabi naman ni Ahyen, na malaki ang maitutulong nito na magkaroon ng lugar na mapapagpahingahan. Lugar na tahimikat sila ay makakapg-isip ng maayos. Isang buwan lang ang lumipas, naisakatuparan ang kanyang proyektong mapaganda ang silid-aklatan.
          Noong magkaroon ng magandang silid-aklatan ang paaralan, umunti na ang bilang ng mga nagcucutting classes. Mas madaming estudyante ang naeengganyo sa pag-aaral. Nang makita niyang naging maganda ang resulta ng kanyang proyekto, nasiyahan si Ahyen.
          Sa paglipas ng araw, naisip ni Ahyen kailangan na niyang ikunsinte sa Punong guro ng paaraln ang kanyang pangalwa at huling proyekto. Naisip niya na kung maipatutupad niya ito, mas madaming maipapatupad at mapapaunlad pang lalo ng sunod na henerasyon ang nasabing paaralan. Naging mahirap sa kaniya na mapapayag ang punong-guro, na magkaroon ng computer subject ang ibang pangkat. Mutik nang mawalan ng pag-asa si Ahyen, dahil sa ika-4 na antas na siya ay hindi pa din sinuportahan ng punong-guro ang proyekto.
          Ipinakita ng lahat ng estudyante na sang-ayon sila sa proyekto. Nagwelga din ang mga ito upang maipakita ang suporta kay Ahyen. Dahil sa pangyayari, napilitan ang punong-guro na ipatupad ang proyekto. Nagbunyi ang mga estdyante.
Taong 2020, magtatapos na siya sa sekondarya. Bago pa siya magtapos ay nag-iwan siya ng negosyo na mapagkukunan ng pondo, para sa pagpapaganda ng paaralan. Hindi naglaon, lumaki ang pondo ng paaralan, ang mga estudyante doon ay nagkaisa na pagandahin ang paaralan nila.
          Una nilang inayos, ay ang palikuran. Nagdagdag at pinaganda nila ito. Laging malinis at hindi nawawala ang tubig. May lababo at salaming maayos ang palikuran. May flash ang toilet, at ang gripo sa lababo ay may sensor na. Sinundan ito ng pag-papaayos at pagpapalawak ng grandstand. Para naman sa mga guro, pinalawak ang faculty. Nagkaroon ng matataas na gusali, kaya naman may elevator na ang mga ito. Ang computer room naman ay mayroon ng sapat na computer, para sa mga estudyanteng napasok doon. Pinalagyan din ng CCTV camera ang paaralan, para maiwasan ang krimen.
          Dahil sa paglawak ng paaralan at dumami din ang bilang ng estudyanteng pumapasok dito, dumami ang mga basurang nakakalat. Para sa huling adhiakin ng mga estudyanteng doon, ang gumawa ng isang robot na makakatulong sa paglilinis ng buong paaralan. Natupad naman ang kanilang mithiin.
Makalipas ang 10 taong pagkawala ni Ahyen sa paaralan, muli niya iong binalikan. Laking tuwa niya nang makitang ipinagpatuloy ng mga estudyante ang kanyang naumpisahan.

Saturday, February 12, 2011

High School Classmates



      

       I am sad when the graduation day came when I am elementary. I thought that it will be hard for me to adjust on my new classmates.
          Now that I am 3rd year, I know that I have passed so many things in my life with my classmates. Classmates those I have for almost 3 years.
          At first, it’s so hard to talk to each other and we are all shy to ask some questions because we don’t know each other yet. Of course, the persons those have a close seat to you, will be the persons that you would going to know first. Unlike your classmates that are far from your seat.
          When we reached our 2nd year on CLDDMNHS, we already learn to communicate each other. Not only to the persons that have seat near to you. We are all happy on the 2nd year together, because even 2 of our classmates transferred to another school; no one is eliminated from our section.
          As a girl, for me, my boy’s classmates are hard to be with. It is not because of their attitudes. But, it’s because they are more comfortable bonding with same as their gender. Actually, it is better if boys are communicating to boys and girls to girls.
          We all have different attitudes, thing that we want hobbies, trips and different outlook in life. Maybe it’s the reason why we are lack of unity, and because we are lack of unity, our teacher get angry with us, sometimes.
          Some of us our quiet, noisy, funny, serious, got angry easily and easily to be with. There is silence in our room if we are busy and if we have lots of things to do. Actually, most of the time, we are really busy. So, if we have vacant period, we take advantage to it.
          Most of the time, we are grouped. Boys have own group, while girls are little bit separated from each other. Even though most of the time we don’t have unity, there are still times that we are together.
          These days, we are having difficulties. It’s because, our teacher told us that some of us will be eliminated. It will be hard for me, because I’ve been with them for so many years. I wish that there will be ways to let u stay together.
          All of us don’t know what will happen the next day. So, I think, the best thing that I can do, is to spend my time and enjoy the days that we are together. How I wish, that we could pass this year again, with no one will be eliminated on our section.


True Friends





First of all, you can find new friends wherever you go, but searching for true friends is very difficult. When can you say that you already found your true friends?
As an example, I have met a lot of people in my life, and found that they are all different in a way, but I consider them as my friends. All of them are pleasant to me and shows that I’m a big part of their life.
In addition, when I graduated from elementary school, all of my friends told me that even if we’re miles apart, we should still have some ways to communicate and hang-out with each other, but it didn’t occur. They forgotten all about our friendship because from what I’ve heard, they found new friends to connect with and share laughter’s with, but it didn’t matter to me because I also found new people to correspond with in high school. They’re all amazing, and when I start socializing with them it helped me get to know their personalities, their hobbies, and what we have in common. I don’t know if I should get to know my other classmates, or just hang around with the ones I have talked to.
Pursuing this further, being in 3rd year high school, there are times when I want to be alone, so I can absorb and realize the things that can occur around me and to think about the next decision I will make in life.
Later on, a week had passed and I tried being friends with my other classmates. I know, and feel that they don’t seem to be comfortable when I’m with them, maybe because it’s my first time joining them. It took me lots of weeks before I earned their trust and friendship.
In the same way, I’m so happy that they’re getting a hang of things with me. My friends and I are always together, we share experiences and stories of our lives, and we always jokes around. I can say that we became really close to each other.
On the other hand, there are times when I have tons of problems in my mind like being teased, criticized, and a lot of other issues about me. Lieva and Alie always have my back on everything and they give me advice on what I should do with my problems and how I can solve it. I gave all my feelings out and I couldn’t stop my tears from falling down my cheeks so they told me to calm down and forget about those things that makes me upset because that’s the best way to pass those challenges.
Aside from them, Sarah, Camille, Jade, and Shirlyn always made me smile when I’m feeling down. They help me up when I need a shoulder to cry on, so I’ll do the same thing for them when they are in need of help, I’ll always be there for them. I didn’t expect them to be that close to me.
In final consideration, my friends are very important to me. We share thoughts and feelings about each other, and we help each other to solve our problems. I’ve learned a bunch of things from them about life, I learned that fighting and arguing is not the best way to show other people that you are undefeated, strong, and courageous. That’s how you’re friends and other people support you and they will lend a hand when you need them. I didn’t just found true friends, I found real friends. I just hope to have an everlasting friendship, and I really love them all. Oh! It is really hard to find “True Friends.”
                  


(Sorry sa mga unmentioned names ! :)