Monday, February 14, 2011

Modernong Paaralan


          Ang kwentong ito ay tungkol sa batang si Ahyen. Siya ay nag-iisang anak nina Lilian at Bienvenido Dela Cruz. Siya ay maraming pangarap sa buhay. Sila ay nakatira sa isang liblib na lugar. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa San Pablo City, Laguna. Ang paaralang pinapasukan niya ay hindi kilala at mababa ang kalidad ng edukasyon. Habang lumalaki na si Ahyen, nakikita ng kanyang mga magulang na may potensyal ang kanilang anak...
          Noong buwan ng Marso, taong 2017 naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat sa San Pablo City. Ito ay upang hindi na sila malayo sa kanilang haligi ng tahanan at upang magkaroon ng magandang paaralan anak. Pagdating nila sa bagong bahay, “Pag-isipan mo na, kung saang paaralan ka papasok habang maaga pa,” wika ng kanyang ina. Tumango na lang si Ahyen.
          Kinabukasan, habang nagpapahangin siya sa labas, nakinig niya ang mga estudyanteng nag-uusap. Pinag-uusapan ng mga ito ang malawak, madaming sili-aralan at may silid-aklatan ang paaralang kanilang pinapasukan. Itinanong ni Ahyen sa mga estudyante kung saan sila nag-aaral. Nalaman ni Ahyen na ang pangalan ng paaralan ay Col. Lauro D. Dizon Mem. National High School. Ayon din sa mga estudyante, ito ay isang pampublikong paaralan at walang masyadong binabayaran.
          Ipinagbigay-alam agad niya sa kaniyang mga magulang ang nakalap niyang impormasyon. Sinabi din niyang ito ang paaralan na gusto niyang pasukan. “Gusto mo bang puntahan natin ang paaralang iyon upang makita mo?” wika ng ina. “ Hindi inay, sigurado na po akong doon ko gustong pumasok’” sabi ni Ahyen. Dahil sa buo na ang desisyon ng anak, sumang-ayon na din ang kanyang ama. Inasikaso ng mag-asawa ang pag-eenroll ni Ahyen sa eskwelahan. Hindi sila nahirapan sa pagpapasok ng anak dahil maganda naman ang mga grado nito.
          Si Ahyen ay nasa iba ika-2 anatas na nuon sa sekondarya. Siya ay napabilang sa pinakamataas na pangkat na tinatawag na pangkat Science. Madami naman kaagad siyang naging kaibigan sa kanilang pangkat. Si Caylee, na pangalwang taon na sa paaralang ‘yon ang isa sa naging kaibigan niya. Tinanong siya ni Caylee, “Ahyen, bakit mo naman dito naisipang pumasok?” Sumagot si Ahyen, “Dahil sa magagandang deskripsyon ng mga estudyanteng nakausap ko noon.” Niyaya ni Caylee si Ahyen na libutin ang nasabing paaralan. Ngunit, nalungkot siya nang makita ang silid-aklatan. Bukod pa dito, nalaman din niya sa ilang estudyante, na kinukulang pa rin ang paaralan sa silid. Sa kabila noon, nagpatuloy pa din siya sa pag-aaral.
          Hindi nagtagal, naging kilala siya sa paaralan dahil sa katalinuhan niyang ipinamamalas. Lagi siyang nangunguna sa klase, maging sa kompetisyon sa ibang paaralan. Naitayo niya ang pangalan ng paaralan dail sa kanyang talino. Gumanap din siyang magaling na pinuno ng kanilang klase.
          Naibalita sa paaralan na magkakaroon ng election para sa Supreme Student Government. Lahat ng estudyante ay maaring sumali sa nasabing election. Madami ang nagrekomenda sa kaniya na tumakbo sa SSG. Ngunit, naisipan niyang tanggihan ang alok ng kanyang mga kaibigan.
          Pagdating nang araw ng election, kasali ang pangalang Ahyen, kumandidato sa pagkapresidente. Nagulat siya at kinabahan, dahil sa nangyaring iyon. Hindi niya inakalang siya ang mananalo sa nasabing eleksyon. Tuwang-tuwa siya dahil sa nakamit niyang tagumapy. Nagpapasalamt siya sa lahat ng sumuporta sa lanya. Hindi niya ipinapangako na magagampananniya ang kanyang tungkulin, pero sinabi niyang gagawin ang lahat ng makakaya.
          Sa pagdating niya sa ika-3 antas ng sekondarya, nag-umpisa na din ang araw ng pagiging presidente niya. Dahil sa pagiging presidente ng paaralan, naging bukas ang kaniyang isipan sa mga pangyayari sa CLDDMNHS. Ilan sa mga bagay na kanyang nalaman ay ang hindi pagkakaroon ng  computer subject ng ibang pangkat ng paaralan. Iyon ang mga hinaing ng mga estudyante sa kaniya. Ngunit, sinabi niya na kung maari, unahin muna niyang ayusin ang silid-aklatan.
          Hiniling nga mga kapwa niya mag-aaral na malamn kung bakit iyon ang gusto niyang unahin. Sinabi naman ni Ahyen, na malaki ang maitutulong nito na magkaroon ng lugar na mapapagpahingahan. Lugar na tahimikat sila ay makakapg-isip ng maayos. Isang buwan lang ang lumipas, naisakatuparan ang kanyang proyektong mapaganda ang silid-aklatan.
          Noong magkaroon ng magandang silid-aklatan ang paaralan, umunti na ang bilang ng mga nagcucutting classes. Mas madaming estudyante ang naeengganyo sa pag-aaral. Nang makita niyang naging maganda ang resulta ng kanyang proyekto, nasiyahan si Ahyen.
          Sa paglipas ng araw, naisip ni Ahyen kailangan na niyang ikunsinte sa Punong guro ng paaraln ang kanyang pangalwa at huling proyekto. Naisip niya na kung maipatutupad niya ito, mas madaming maipapatupad at mapapaunlad pang lalo ng sunod na henerasyon ang nasabing paaralan. Naging mahirap sa kaniya na mapapayag ang punong-guro, na magkaroon ng computer subject ang ibang pangkat. Mutik nang mawalan ng pag-asa si Ahyen, dahil sa ika-4 na antas na siya ay hindi pa din sinuportahan ng punong-guro ang proyekto.
          Ipinakita ng lahat ng estudyante na sang-ayon sila sa proyekto. Nagwelga din ang mga ito upang maipakita ang suporta kay Ahyen. Dahil sa pangyayari, napilitan ang punong-guro na ipatupad ang proyekto. Nagbunyi ang mga estdyante.
Taong 2020, magtatapos na siya sa sekondarya. Bago pa siya magtapos ay nag-iwan siya ng negosyo na mapagkukunan ng pondo, para sa pagpapaganda ng paaralan. Hindi naglaon, lumaki ang pondo ng paaralan, ang mga estudyante doon ay nagkaisa na pagandahin ang paaralan nila.
          Una nilang inayos, ay ang palikuran. Nagdagdag at pinaganda nila ito. Laging malinis at hindi nawawala ang tubig. May lababo at salaming maayos ang palikuran. May flash ang toilet, at ang gripo sa lababo ay may sensor na. Sinundan ito ng pag-papaayos at pagpapalawak ng grandstand. Para naman sa mga guro, pinalawak ang faculty. Nagkaroon ng matataas na gusali, kaya naman may elevator na ang mga ito. Ang computer room naman ay mayroon ng sapat na computer, para sa mga estudyanteng napasok doon. Pinalagyan din ng CCTV camera ang paaralan, para maiwasan ang krimen.
          Dahil sa paglawak ng paaralan at dumami din ang bilang ng estudyanteng pumapasok dito, dumami ang mga basurang nakakalat. Para sa huling adhiakin ng mga estudyanteng doon, ang gumawa ng isang robot na makakatulong sa paglilinis ng buong paaralan. Natupad naman ang kanilang mithiin.
Makalipas ang 10 taong pagkawala ni Ahyen sa paaralan, muli niya iong binalikan. Laking tuwa niya nang makitang ipinagpatuloy ng mga estudyante ang kanyang naumpisahan.