Saturday, February 26, 2011

Kwento ng Aking Buhay

oh ! it's me
My Mom and Dad , so sweet !! :)
            Ako si Shelo B. Cadahing, labin- limang taong gulang at ipinanganak noong Setyembre 27, 1995 sa San Pablo City, Laguna. Ang aking mga magulang ay sina Bienvenido Cadahing at Lilian Cadahing. Kame ay apat na magkakapatid. Ang panganay ay si Kristina Cadahing, sumunod si Kaye Villian Cadahing, ako angpangatlo at ang bunso ay si Christian Cadahing na nag- iisang lalaki. Kami ay ay nakatira ngayon sa Barangay Concepcion, San Pablo City, Laguna.

          Ang pamilya naming ay nabibilang sa relihiyon ng Iglesia Ni Cristo. Noong nasa pagsamba pa ako ng kabataan, nagkaroon ako ng tungkulin sa pagka- mangaawit. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi na ako mang- awit ngayon. Sarili ko iyong desisyon. Dahil sa mga kadahilanang hindi ko nalang babanggitin. Madami na akong napagdaan sa sa buhay bilang Iglesia Ni Cristo. Halos naka- 3 taon na siguro mula nung binautismuhan ako sa Calamba, Laguna. Hiniling ko noon na kasama ko sana ang mga magulang ko sa araw na iyon. Hindi nga lang natupad, pero masaya pa din ako dahildumating ang araw ng bautismo ko. Sa kabila ng mga pagsubok na napagdaan ko at ng aking pamilya ng mga panahong iyon, nalampasan at nanatili pa din akong kaanib ng aming relihiyon.


my bunsong kapatid
ate Kavie...

         Noong bata pa ako, madalas nagkakaagawan kami ng kapatid kong bunso sa gamit. Kung kasing mayroon ako, gusto niya meron din siya. Dahil nga sa pag- aagawan sa gamit ko, naaksidente siya. Nasa tas kasi ng cabinet yng simpleng lastik ko lang, kukuhanin niya kaya umakyat din ako para pigilan siya. Aksidenteng naputol yung lastik na pinag- aagawan naming. Nalalag si tutoy, at pumutok yung labi niya. Kaya naman ipinatahi iyon. Buti nalang at mababait ang mga magulang ko, hindi sila ganoong nagalit sa akin. Marahil alam nila na bata pa kami noon, kaya naiintindihan niya. Minsan na din akong naaksidente, dahil sa kakulitan at kalikutan ko. Naglalaro kami noon ng
ay, nadapa. T.T
mga ate ko, at kaming tatlo lang ang tao sabahay. Nilalaro naming yung mga dolls naming sa bakuran. Naisipan naman nina ate na gumawa ng bahay ng mga laruan namin. Pinakuha ako ni ate Kristina o Ate Kavie ng martilyo sa loob ng bahay para gamitin sa pag- gagawa ng bahay ng laruan naming. Tuwang- tuwa akong tumakbo, pagpunta sa loob ng biglan akong nadapa. Sa pagkadapa ko, napatama ang sikmura ko sa may hagdan. Naramdaman ko noon ang sobrang sakit at hindi na ako makapagsalita, dahil hindi na ako makahinga noon. Hindi nagtagal, nawalan na ako ng malay. Hindi ko na alam ang nangyayari at sunod na mangyayari ng maga panahon na iyon. Sa pag- gising ko, nakita ko ang mga ate ko, at bakas sa kanilang mga mukha nag takot at kaba. Naikwento nila sa akin na hindi daw nila alam ang kanilang gagawin noon. Ang tanging naisip daw gawin ni Ate Kavie noong mga oras na iyon ay sampalin ako. Agad naman akong nagkamalai tao noon. Saka ko naman naramdaman ang takot at kaba makalipas ang ilang oras mula ng magising ako. Nasip ko lang na pano kung, hindi na ako nagising? Swerte pa din talaga ako. Naranasan ko na din palang mahiwa sa palad noong anim na taong gulang palang ako. Hindi iyon basta hiwa, dahil iyon ay malaking hiwa ng kutsilyo sa palad ko. Nangyari lang iyon dahil sa pagiging curious ko. May kaluban kasi yung kutsilyo, eh hindi ko pa naman alam ang kaluban noon kasi bata pa ako, kaya hindi ko naisip na kutsilyo iyon. Akala ko, chocolate yung nakalagay sa lalagyan. Ang hirap pa ngang buksan. Nagulat nalang ako ng biglang nahiwa ko. Sa takot na mapagalitan, hindi ako nakaiyak noon, at walang sinuman ang nakaalam sa bahay ang nangyaring iyon s akin. Bata pa kasi, kaya makulet. (hehehe)

oh really?? asthma ?
           Naalala ko noong ipapasok ako ni mommy sa isang Day Care Center. Ang dami kong taga- bantay na mga pinsan ko kasi alam nila na makulet ako at bakakasi mag- sign of the cross ako pag- magdadasal yung mga estudyante (hindi nag- sisign of the cross ang mg I.N.C.). Wala pang ilang lingo ang nakakaraan mula ng pumasok ako, tinamad na agad ako. Nung bata pa naman ako, may asthma ako kaya ‘yun yung idinahilan ko para hindi ako makapsok. Dahil sa katamadan ko, indi na ako nakapagkinder, kaya idineretso na agad ako sa grade- I sa Guerilla Elementary School. Nung pumasok ako sa elemantarya, sa section- B ako inienrol ni Mommy, kasi ang alam ko lang gawin ay isulat at basahin ang sarili kong pangalan. Pero, makalipas ang ilang buwan ay nailipat naman ako sa section- A dahil sa maganda ko daw na performance. Pagdating naman ng katapusan ng school year na ‘yon, ‘di inaasahing napasali ako sa top. Noong dumating na ang araw ng recognition, nagulat ako pati na rin si mommy, dahil nakakuha ako ng dalawang parangal. Bar pin noon ang ibinigay sa amin. Muntik pa akong matusok ni mommy ng bar pin sa sobrang kaba niya noon, kasi hindi naman niya inaasahan na makakapasok ako sa top 10.

Si Shaira, bestfriend k noong elem.
          Sa loob ng anim na taong pag- aaral ko sa Guerilla Elementary School, madami akong nagingh kaibigan doon at si Shaira Aro ang naging pinakamatalik kong kaibigan. Syempre, hindi din mawawala ang mga away bata. Hindi ko malilimutan ang unang beses na nakipag- away ako, noong grade- II. Dahil lang naman, nasira ng kaklase ko ‘yung porselas na ibinigay sa akin ng mommy ko, kaya inaway ko siya. Noong grade- IV naman, grabe, nakipagpanuntok ako sa lalaki kong kaklase. Kasalanan din naman kasi niya ‘yon, kasi akala niya hindi ko siya lalabanan kasi babae ako, akala lang naman niya ‘yon (wahahaha).  Sa kabila ng mga kalokohan ko noon, madami din naman akong mga nagging kaibigan. Nagkaroon naman kami noon ng ‘medyo’ magandang samahan. Anim na taon ba naman kaming magkakasama, hindi pa ba kami maging close ng lagay na ‘yon? Tama lang naman  ang panahong  ‘yon para makilala naming ang ang isa’t- isa.
Graduation Day ko. (elem.)
Naging masaya ang elementarya ko, hindi lang dahil sa madami akong naging mga kaibigan noon, dahil na rin sa pagkakamit ko ng mga karangalan sa bawat taon ng aking pag- aaral doon. Pero, sa bawat recognition na nadaluhan ko, 3 beses lang na ang magulang ko ang nagsabit sa akin ng medalya. Unang beses, noong grade- I at si mommy lang ang dumalo para sa akin. Pangalawa, nung grade- V na si daddy lang ang dumalo. Ang huli, siyempre noong grade- VI. Unforgettable ‘yun, kasi halos kumpleto ang pamilya naming noon. Ang wala lang ay si Ate Kavie na lagi naman talagang wala kapag ganoong mga pagkakataon. Ang saya noon, kasi naandoon silang lahat para suportahan ako, hindi lang dahil sa may sabit ako noon,graduation ko din kasi. 

me and my baestfriend?? noon....
Sa pagpasok ko naman ng high school, napagdesisyunan ng aking mga magulang na sa Dizon High ako pumasok, dahil nakapasa ako sa science curriculum. Noong unang araw ng pasukan, nagpasama ako kay mommy kasi medyo kinakabahan ako noon. Pinakauna kong nakilala noon ay si Camille na inakala kong siya ang pinaka- makakaclose ko noon. Dahil sa 15 lang kami noong unang araw, kumuha ng ilang eatudyante sa section- A. sa pagdaan ng mga araw, ang nagging kaclose ko ng sobra, si MARIAN Carmella B. Calanasan. Magkatabi kami noon at lagi din kaming magkasama. Hindi naman mawawala ang pag- buo ng mga barkadahan sa isang seksyon. Ang barkadahang may pinakamaunting miyembro ata noon ay ang “MAKKASHERYSS”. Ang magkakasama dito ay kami nina MArian, LyKKA, siyempre ako na si SHElo at si KhRYSS. Madalas puro kalokohan kami noon, pero masaya. May sariling araw pa nga kami ng pagsusuot ng jogging pants, araw ng martes. Noong lumaban kami ng ‘Ibong Adarna,’ ako ang napiling narrator. Kahit na hindi ako pinalad na mapiling pinakamahusay, masaya na din ako dahil nagkaroon ako ng karanasan.
kookak!! scary ...
Noong 2nd year, hindi ko ‘yon malilimutan, kasi hinarap ko ang isa sa mga kintatakutan ko, ang palaka!! Ginawa ko lang ‘yon para matapos na ang eksperimento namin. Wala kasi sa mga kagrupo ko ang naglakas loob na hawakan, kaya ako nalang. Nakakatakot talaga ‘yon at hindi ko ‘yon makakalimutan. Dahil do’n, lalo tuloy akong natakot sa palaka. Nang lumaban kami ng ‘Florante at Laura,’ kabilang ako sa pangkat ng m,ga mang- awit. Nakamit naman ng pangkat naming noon ang unang karangalan, ngunit ang seksyon namin ay hindi nakamit ang posisyong ‘yon. Kahit na ganoon ang nangyari, ayus lang dahil lahat naman kami ay ibinigay ang lahat n gaming makakaya.


Eco Tour !! ;D
Isa sa pinakamahirap na baitang sa sekondarya ay ang 3rd year, pero ito din naman ang pinakamasaya. Mahirap, kasi iba na ang grading system, mas madaming gawain, nadagdagan ang subject at naglevel- up na din ang mga ito. Mas naging close na din ako sa mga kaklase ko, 3 taon na kasi kaming magkakasama. Sa kabila ng mga pgod, hirap at hectic na schedule, meron din naman kaming mga masasayang moments, hindi naman kasi kami masyadong nagseseryoso sa pag- aaral para naman maging masaya ang high school life namin. Mabuti ng naeenoy ko ngayon ang mga panahon na magkakasama pa kami, dahil sabi may matatanggal na sa seksyon namin. Ang paltok- bola, ay ang laro na nalaro naming na halos ang buong seksyon namin ay kasali sa laro. Laging boys vs. girls ang nangyayari, dapat lagi ding mano ang mga babae dahil para sa akin patas pagganoon (hehe,agree girls??). Memorable din ang 1st eco tour ng seksyon namin. Sobrang saya ko no’n, kasi naging successful ‘yung eco tour namin, na akala kong hindina matutuloy. Sobrang nakakapagod kayang umakyat ng bundok! Pero masaya. Ang sarap ding makabonding ni Sr. Legaspi, kasi kwela siya, sexy pa! (wiwit!:)

Me and The best sister in the world !! ang cheesy !!! hahaha
Sa bahay naman namin, madaming sad, badtrip, at siyempre happy moments. Hindi naman kasi maiiwasan na may problemang dumadating sa pamilya, siguro kaya naman sa amin ibinigay ang mga problemang ‘yon dahil sa alam ng Diyos na kaya naming lutasin ‘yon. Ang lahat naman ng mga nangyari sa amin ay nagkaroon ng mga magagandang resulta, naging daan upang mas maging matatag at maganda ang samahan n gaming pamilya. Madalas naman, binabadtrip ako ng bunsong kapatid ko, hindi kasi marunong makinig, ang tapang at ang yabang pa, lalaki kasi. Pero ang pinaka- kaclose ko sa mga kapatid ko, si Ate Kaye. Siya ang napag- sasabihan ko ng mga problema ko at lahat- lahat ng nangyayari sa buhay ko, sa loob at labas ng tahanan namin. Madalas ding siya ang kabonding ko at kasama kapag may mga lakad ako. Tulad ng bunsong kapatid ko, hindi ko din makasundo si Ate Kavie. Ayoko lang talaga kasi sa mga ugali at gawain niya. Sa katunayan, muntok na niya kong masuntok noon dahil sa pagtatalo namin. Hindi lang siguro talaga kami komportable sa isa’i- isa, dahil sa nasanay lang ako na wala siya. Si daddy, sa manila na siya nagtatrabaho mula noong nakaraang taon. Kaya naman, buwan- buwan ay inaabangan ko ang pag- uwi ni daddy. Sobrang saya ko tuwing nauwi si daddy, dahil nakakapag- bonding ang buo naming pamilya ng sama- sama.
Picnic with friends sa field noong concert
Noong nakaraang concert sa school namin, naisipan naman naming mag- picnic sa field habang nagpeperform ang ilan naming mga kaklase. Naexcite ako noon, hindi dahil sa concert kundi sa picnic namin. Nag- uumpisa palang ang concert, nang bigla akong naiyak. Naisip ko na baka ‘yon na ang huling pagsasaya ko na kasama ko ang aking mga kaibigan. Nilapitan nila ako noon at niyakap. Nag- group hug pa nga kami noon. Naging mlungkot man ang panahon na ‘yon, naging masaya din naman kaagad. Naenjoy naming lahat ang mga oras na ‘yon na magkakasama kaming mag- kakaibigan.

Madami na akong napagdaang mga problema. Pero sa bawat problemang dinaranas ko, iniisip ko nalang na lahat ng mga ‘yon ay nangyayari dahil may magandang dahilan. Madami ding mga taong laging naandyan at sumusuporta sa akin. Nagkaroon man ako ng mga panahong walang makasama, mayroon naman kaagad na sumalo sa akin. Sa mga bagay na napagdaanan ko, madami akong natutunan. Maging ang mga taong nakasama ko ay madaming naituro sa akin. May kasabihan nga, “Hindi naman ibig sabihin na lahat ng bagay na hindi mo nakukuha sa tamang panahon ay hindi mu na makukuha, minsan hindi lang talaga ‘yon ang tamang panahon para sa mga bagay na ‘yon.”


                                                            “Live life to the fullest”
                                                                                                            Musicaijah:)