Monday, February 14, 2011

Percy Jackson and the Lightning Thief




         May isang lalaking nagngangalang Percy Jackson na kayang tumagal ng hanggang 7 minuto sa ilalim ng tubig. Ang matalik niyang kaibigan na si Grover ay talaga naming humahanga sa kanya. Sa klase, habang nagtuturo ang kanyang guro na si Miss Dots, ay may iba siyang iniisip. Napansin ito ni Miss Dots, kaya naman si Percy ang tinawag niya para sumagot ng kanyang katanungan. Nang tinitigan ni Percy ang Greek Word, ito ay nagiging English Word sa kanyang paningin. Kahit na nakikita niya na lumalabas na ang tamang sagot, minabuti pa din niyang sabihin kay Miss Dots na hindi niya alam ang sagot.
          Pag-uwi ni Percy, nakita niyang namamalantsa kanyang ina na si Sally. Sinabi niya kay Sally na lumalala ang sakit niyang “dyslexia.” Tinawag naman ng kanyang pangalawang ama na si Gabe Ugliano, si Sally upang magpakuhang beer. Nang dumaan si Sally sa tabi ni Gabe ay hinampas siya sa butt, na ikinainis ni Percy. Sinbi ni Percy na bakit nila iyon ginagawa sa kusina. Nagalit si Gabe at kinuwelyuhan niya si Percy at sinabi niyang dapat tandaan ni Percy na nasa pamamahay niya ito. Si Sally ang namagitan sa kanila. Umakyat nalang si Gabe sa kwarto. Pag alis ni Gabe, tinanong ni Percy si Sally kung bakit nagtitiis siya na mamuhay kasama ang lalaking amoy baboy na iyon. Sinabi ni Sally na madami nang naitulong si Gabe sa kanila na hindi lamang maintindihan ni Percy.
          Kinabukasan, pumunta ang buong klase sa museum. Habang ipinapaliwanag ng lalaking naka-wheel chair na si Mr. Brunner ang mga bagay- bagay doon, si Percy naman ay nakikinig lamang ng kanta sa kanyang ipod. Napansin iyon ni Mr. Brunner, kaya tinanung siya nito, kung ano ang ibig sabihin ng Greek Word na nakaukit sa pader. Nasagot ito ni Percy at natuwa naman si Mr. Brunner.
        Pagkalipas ng ilang sandali, tinawag ni Miss Dots si Percy, sinabi niyang kailangan nilang mag-usap. Sumunod si Percy kay Miss Dots sa isang silid. Ngunit, nang nalingat lang sandal si Percy ay biglang nawala si Miss Dots. Pagtingin ni Percy sa taas, naandoon si Miss Dots. Nagulat si Percy, kaya tinanung niya si Miss Dots kung paano siya nkaakyat doon. Ngunit, hindi sinagot ni Miss Dots si Percy. Biglang nag- anyong halimaw si Miss Dots. Sinugod niya si Percy at sinabing  ninakaw ni Percy ang ‘Lightning Bolt.’ Hindi maintindihan ni Percy ang mga sinasabi ni Miss Dots. Muntik na siyang masaktan ni Miss Dots ng biglang dumating si Mr. Brunner at Grover. Tinakot ni Mr. Brunner si Miss Dots na siya ay pagpipira- pirasuhin kapag hindi pa siya umalis. Lumipad na palayo si Miss Dots.
         Agad na tinanong ni Mr. Brunner si Percy kung ano ang sinabi nito sa kanya. Matapos magkuwento, binigyan ni Mr. Brunner si Percy ng isang ‘pen’ na magagamit nitong proteksyon. Sinabi ni Mr. Brunner na umalis na sila at kunin ang ina ni Percy, dapat na silang magmadali. Niyaya na ni Grover si Percy na umuwi sa kanila, para mapuntahan ang kanyang ina bago pa ito mapahamak.
          Pagdating sa bahay, naabutan ni Percy si Gabe, kainom ang kanyang mga kaibigan. Tinawag agad ni Pery si Sally na ikinainis ni Gabe. Pipigilan sana sila nito sa pag- alis, ngunit nahampas siya ni Grover ng saklay.
         Makalipas ang ilang sandal, biglang sumigaw si Grover na itigil ni Sally ang sasakyan at tumaob ang kanilang kotse sa lakas ng pwersa, biglang may lumaglag na baka. Hinubad ni Grover ang kanyang pants upang masipa nito ang bintana. Nakita ni Percy ang tunay na anyo ni Grover ng mga oras na iyon. Nagmadali silang umalis dahil may papalapit na halimaw sa kanila. Binato din sila nito ng naiwan nilang kotse. Narating nila ang camp bgo pa sila maabutan ng halimaw. Ngunit, hindi makapasok si Sally, kaya nakuha siya ng halimaw. Hindi nagtagal sa kamay ng halimaw si Sally at naglaho din siya. Kinalaban ni Percy ang halimaw, ito ay kanyang natalo sa pamamagitan ng pen na nagiging espada. Naputol din niya ang sungay nito. Sa labis sakit na natamo ni Percy, nakatulog nalang ito.
Sa paggising ni Percy, inilibot ni Grover si Percy sa Camp Halfblood, kung saan naandoon ang mga ‘Half Mortal, Half God’ o tinatawag ding ‘Demigod.’ Madaming nag- eensayo sa paligid. Sinabi ni Grover kay Percy na siya ang bayani. Ngunit, sumalungat siya dito.  Ipinaliwanag ni Grover, kaya siya nakakabasa ng Greek Words dahil sa siya ay natatangi. Dinala ni Grover si Percy kung saan naandoon ang anak ni Athena na si Anabeth, na nakikipaglaban sa ibang sundalo.Ipinakita din ni Grover ang mga centaurs, na kinamanghaan din ni Percy. Isa sa mga centaurs ay si Mr. Brunner, na Chiron ang tunay na pangalan.
Ipinatawag ni Chiron ang lahat ng sundalo at ipinakilala si Percy Jackson upang magkaroon na ito ng pangkat sa camp. Napunta si Percy sa ‘blue soldiers’ kasama si Luke. Ang unang pangkat na makakuha ng watawat ang mananalo. Sa halip na magsamang maglaban si Luke at Percy, pinapuntahn nalang ni Luke kay Percy ang watawat at nagpaiwan siyang nakikipaglaban. Sa paghahanap ni Percy ng watawat, siya ay napagod at nakakita siya ng batis. Iinom na sana siya nang makita niya ang watawat. Kukunin na niya ito nang biglang dumating si Anabeth. Sinabi niya na ang ina niya ang ‘God of Wisdom’ na si Aphodite, kaya lagi siyang nananalo sa anumang labanan. Sinabi naman ni Percy na siya naman ay palaging talo. Naglaban sila at dumating ang iba pang sundalo, kasama na sina Grover at Chiron. Bumagsak si Percy sa dame ng atakeng natanggap niya kay Anabeth. Lumapit si Percy sa batis, inilubog ang kanyang palad sa tubig at nanumbalik ang kanyang lakas. Dahil doon, nilabanan niyang muli ang ‘Red Soldiers.’ Sinugod siya ng mga ito at natalo ni Percy silang lahat. Huli niyang nakalaban si Anabeth. Nagwagi si Percy, nagulat ang lahat dahil wala pang nakakatalo sa dalaga.  Nagbunyi sila sa pagpapakita ni Percy ng kanyang galing. 
Kinagabihan, nagkaroon ng pagsasalo sa camp. Ang nagpapaliwanag sa paligid ay isang malaking siga. Nagkita si Percy at Anabeth ng gabing iyon. Habang sila ay nag- uusap, biglang may lumabas na Diyos sa apoy na nagnganglang Hades, at hinahanap nito si Percy Jackson. Kinukuha nito kay  Percy ang Lightning Bolt kapalit ng kanyang ina. Sinabi nito na kasama niya si Sally sa ‘Under World.’ Sa oras na maibigay niya ang Lightning Bolt dito, ibibigay na sa kanya si Sally.
Paalis na sina Percy, Anabeth at Grover ng gabing yon. Humingi sila ng tulong kay Luke,  dahil sa ang ama nito ay si Hermes na ‘Messenger of the Gods Ang naibigay na tulong ni Luke ay sapatos na may pakpak, ang ilan niyang kagamitan, at ang mapa ni Aphodite na makatutulong upang malaman nila ang  daan na kanilang tutunguhin. Ngunit bago ang lahat, kelangan muna nilang kunin ang 3 pearl na makakatulong upang makaalis sila sa Under World, pag nakarating na sila dito. Ibinigay din ni Luke kay Percy ang kanyang kalasag.



Nag-umpisa na silang maghanap ng pearl. Una nilang pinuntahan ang ‘Auntie Em’s Garden Emporium,’ kung saan nakakita sila ng iba’t- ibang estatwang bato. Nakakita din si Anabeth ng Gold Coins. Kumuha siya ng ilan nito at ibinigay kay Percy.Naghiwa- hiwalay sila, dahil naisip nilang iyon ang madaling paraan upang makita ang pearl. Sa pag- iikot ni Grover, nakakita ito ng estatwa na kahawig ng kaniyang tiyuhin. Samantalang si Anabeth naman ay nakakita ng babaeng takot na takot, dahil sa may humahabol daw sa kanya. Sa pagkakita ni Grover sa estatwa ay naalala niyang sa si Medusa ang nakapatay dito, kaya madali niyang hinanap si Percy at si Anabeth. Sa pagtakbo ni Anabeth at ng babae ay nagkita sila ni Medusa. Kaya ni Medusa na gawing bato ang tao kapag ito ay tumingin sa kanyang mata. Hindi napigilan ng babaeng kasama ni Anabeth na tingnan ang mata ni Medusa, kaya siya ay nagging bato, habang nakakapit pa ito ng mahigpit kay Anabeth. Naamoy naman ni Medusa si Percy, kaya hinanap niya ito. Nagtago si Percy, kaya pinatumbahan siya ni Medusa ng mga estatwang bato. Napugot ni percy ang ulo ni Medusa, kaya ito namatay. Nakuha nila ang unang pearl sa kamay ni Medusa. 
Humanap sila ng Hotel upang makapagpahinga. Nakita ni Percy ang sugat ni Anabeth sa kamay, at pinagaling niya ito sa pamamagitan ng tubig.  May katulong sa Hotel na nakakita ng ulo ni Medusa, kaya nagmadali silang umalis ng Hotel.Tumungo sila sa Partrhenon upang kunin ang pangalawanh pearl. Nakita nila ito sa ulo ng estatwa ni Athena. Kinagabihan, nang nakuha na ito ni Percy, biglang may lumabas na mga lalaki na naging dragon. Naisip ni Grover na gamitin ang ulo ni Medusa, upang matalo ang dragon.
Lumabas sa mapa na ang una nilang pupuntahan ay Las Vegas sa ‘Lotus Hotel and Casino.’  Nang marating nila iyon ay nalulong sila sa sugal at nalimutan na nila ang kanilang pakay sa lugar na iyon. Makalipas ang mahabang oras, ay may bumulong kay Percy, na ang Lotus Dessert ang nagpapalimot sa kanila ng lahat. Sa kanyang paglalakad ay nkita niya ang pearl. Nagising si Percy, kaya pinuntahan niya ang kanyang mga kaibigan, upang imulat sa katotohanan. Dahil dito, hinabol sila ng madaming tao upang pigilan ang kanilang pag- alis. Kinuha nila ang kotseng papremyo sa casino, upang makaalis sa kugar na iyon,Nang tiningnan ni Percy ang mapa, ipinakita nito na sa ‘Hollywood’ ang sunod na ruta. Nakita ni Percy ang isang Greek Word na ang ibig sabihin , “Welcome to the Land of Death.” Biglang gumuho ang lupa at lumabas ang isang daanan. May nakita silang lalaki, upang padaanin sila, ibinigay ni Percy ang gold coins na kanilang dala.
Narating na nila ang Under World sakay ng isang bangkang lumulutang sa himpapawid, kung saan ang ilalim ay dagat ng apoy. Nakita nila si Stephanie na asawa ni Hades. Ipinakilala ni Stephanie sina Percy kay Hades.kinausap ni Hades si Percy, sinabi ni Percy na gusto na niyang makuha ang ina. Inilabas ni Hades si Sally. Ngunit, nagalit ito dahil nakita niya sa kalasag ni Percy na nanggaling kay Luke, ang lightning Bolt na sinabi niyang wal sa kanya. Kinuha ni Hades ang Lightning Bolt. Ngunit, inagaw ito sa kanya ni Stephanie. Tinulungn ni Stephanie sina Percy, upang makaligtas. Ibinalik naman ni Stephanie ang Lightning Bolt kay Percy.Naiwan si Grover sa Under World, dahil sa 3 lang ang pearl.
Sa pagdating nila sa lugar ni Poseidon, bigla silang hinarang ni Luke. Sinabi ni Luke na siya ang Lightning Thief. Naglaban silang 2 at nag- agawan sa lightning Bolt. Upang matalo ni Percy si Luke, pinasabog niya ang tangke ng tubig na nasa likuran ni Luke. Ipinakain ni Percy si Luke sa tubig na kanyang kontrol. Gumawa din si Percy ng sandata na ibinato niya kay Luke, na naglibing dito sa tubig.


Ilang minuto nalang ang nalalabi bago matapos ang 14 na araw. Umabot naman si Percy sa oras. Ipinaliwanag din niyang, hindi siya ang magnanakaw. Nagkaroon din sila ng pagkakataong makapag- usap ng kanyang ama. Nagpasalamat si Poseidon kay Percy. Ngunit,sinabi ni Percy na ginawa niya iyon para sa anyang ina. Ipinaliwanag naman ng kanyang ama, na ginusto niyang makasama ang anak, pero hindi lang talaga maaari. Sinbi nalang ni Poseidon kay Percy, na susuportahan niya ang mga layunin ni Percy. 






Bumalik na si Percy sa camp, matapos ang mahabang paglalakbay. Iniwan siya ni Sally doon, dahil naniniwala siyang iyon ang tamang lugar para sa kanyang anak. Doon, ay muli silang nagkita ni Anabeth. Naglaban muli ang 2, at nagpatuloy ang pag- eensayo ni Percy sa “Camp Halfblood.”